Pagtangis ng Lupang Pinangako
By Angelito G. Nambatac Jr
Copyright 2011 Angelito G. Nambatac Jr
Smashwords Edition
Smashwords Edition, License Notes
This ebook is licensed for your personal enjoyment only. This ebook may not be re-sold
or given away to other people. If you would like to share this book with another person,
please purchase an additional copy for each recipient. If you’re reading this book and did
not purchase it, or it was not purchased for your use only, then please return to
Smashwords.com and purchase your own copy. Thank you for respecting the hard work
of this author.
* * * * * * * * * *
Pagtangis ng Lupang Pinangako
Mula sa bintana ng aking minumunting tahanan ay tanaw ko ang pag-sabog ng liwanag ni haring araw sa buong lugar na aking pinag-silangan. Tila ba’y bumabati ito sa lahat ng makakasilay sa kanya. Napakaganda ring pag-masdan ang pag-silang nito mula sa pagkakubli sa likod ng malawak na bulubundukin na para bang isang anghel na umahon mula sa emperyo ng kadiliman. Napakasarap gumising sa iyong sariling lupang sinilangan. Para sa iba ito’y pinagkaitan ng lahat na magaganda na puwedeng ialayng mundo pero para sa katulad kong napagkaitan na hindi lamang ito isang lupang pinangako, isa itong paraisong walang makakapantay at ni hindi matutumbasan na anumang pinagsamang yaman sa mundo. Paraisong iilan lang ang nakakita sa tunay nitong potensyal. Ako, bilang isang anak-pawis at alila ng makapangyarihang maylupa, natatanaw ko mula sa aking kinauupoan ang liwanag na hatid mula sa bulubundukin ng kapighatian at kaguluhan. Na ang lupang ito, ang lupang pinangako, ay gigising na sa mundo ng kapayapaan, kaginhawaan, at kaunlaran mula sa pagkakulong nito sa malamig, at madilim na kahon ng kawalan. Kahalintulad sa araw na aking natatanaw ngayon, na nag-bigay liwanag mula sa pagtago mula sa ginaw at dilim ng gabi. Hindi ko kayang ipamana sa aking mga anak ang mga naglalawakang hacienda para maging sakim at makapang-alipusta ng kapwa pero sa halip mga yaong hiyas hatid ng bukas na aking natanaw na pinaghirapang lubos ng mga taong tumataguyod ng isang magandang hinaharap para lang mapag-ingatan lubos hanggang sa darating na henerasyon ang aking kayang ibigay. Ang ginhawa’t kasaganaan na aking natatamasa at nilalasap ngayon ay dapat makarating pa hanggang sa aking mga apo at magtagal pa hanggang sa ako’y malagutan ng hininga.